SOFT LAUNCHNasa beta testing pa kami, kaya may mga bagay na baka hindi pa gumagana.May nakitang bug? I-report dito →
PERATALKS
PERA 101

Ang hindi itinuro sa school.

Aralin 1 sa 5 · 2 minuto

Saan talaga napupunta ang sweldo mo?

Bago ka makapag-ipon, kailangan mong malaman kung saan napupunta ang pera. Sa loob ng isang buwan, isulat ang bawat pisong lumalabas sa kamay mo: upa, pagkain, load, padala, Grab, milk tea. Huwag munang husgahan. Ilista lang.

Sa katapusan ng buwan, hatiin sa tatlo: pangangailangan (hindi ka mabubuhay nang wala), luho (masarap sanang meron), at hulog (loan at installment). Karamihan, nagugulat sa laki ng luho. Doon manggagaling ang ipon mo.

SUBUKAN ITOGamitin ang notes app sa phone mo. Isulat ang bawat gastos pagkabayad mo.